Dahil di pa rin gumagaling ang inakala kong sprain sa paa, nagdesisyon akong pumunta sa spesiyalista sa buto kasama ang aking mga kaibigan. sinabi ko na kailangan nila akong buhatin arugain dahil sa aking kapasidad na wala akong kayang gawin dahil pilay ako..as in di ako makalakad dahil masakit talaga.

heto ang aking paa paglabas sa ospital. inaamin ko na wala akong magawa kundi ang umasa sa aking mga kaibigan para tulungan ako at di naman nila ako binigo. at nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nandyan sila para sa akin para punan lahat ng aking pangangailangan sa aking siwasyon.

ang aking kaibigan na si pareng ramir kung saan dito ako nakituloy sa kanyang bahay at ginagawa niya lahat para pagsilbihan ako. siya rin nagbayad ng bills sa ospital sa pamamagitan ng credit card niya (hay babayaran ko ng cash). kulang na lang samahan ako sa banyo at bantayan( kakahiya syempre bantot kaya noh!)

at heto sina ivan at fil…sila rin ang nagbubuhat sa akin papunta sa sasakyan at papuntang opital. (mabigat ako kasi nakikita ko hinihingal sila sa pagbuhat sa akin papuntang 3rd floor)
hindi ko ito malilimutan sa tanang buhay ko na andyan sila para damayan ako sa hirap at ginhawa. paggaling ko blood compact tayo mga kaibigan at paggaling ko babawi ako sa inyo. ibibili ko kayo ng shawarma at pansit sa thailand restaurant..hehehe. salamat mga pre saludo ako sa inyo sa walang sawang pagtulong sa akin.
At sa arabo na gumawa sa akin magtago ka na dahil namukhaan kita at babalikan kita at magtago ka na sa saya ng nanay mong mabantot ang p.kp.k dahil di naghuhugas. at sa padyama ng tatay mo dahil di kita tatantanan.






napaka swerte mo at may mga mabuti kang kaibigan. get well soon! iwas sa sakit at disgrasya!! ^_^ -damdam-
oo nga po eh. kung hindi sa kanila hindi ko alam kung saan ako pupulutin.salamat sa pagmamalasakit. isa kang tunay na kaibigan
ang swrte mo my mga kaibgan ka ng mamalsakit sayo,,,,,,,,.
oo naman at salamat sa pagdalaw sa aking blog