31
Jul
09

si llyboy..sinusuhulan?

isang matinding pagsubok na naman ang dumating sa buhay ni llyboy. ewan ko kung bakit kapag nasa tama ka gagawin lahat para mawala yung prinsipyo na hinahawakan mo. mula noong hindi kami nagkaroon ng pagkakaintindihan ng isang manager sa aking kumpanya marami na siyang pinapupunta na tao para maayos ang lahat.

sa aming pag-uusap dahil sa hindi maayos na sistema niya, uuwi na lang ako sa pilipinas para mas makapag-isip ako ng mas maganda at may tamang papayo sa akin.

dahil sa nasa tama ako hindi nakakapalag ang manager na ito at pinaglalaban ko talaga kahit anong mangyari. pero pilit niyang sinusubukan ang pagkatao ni llyboy. pati pasensiya at pagtitimpi gusto pa rin kunin sa akin pero patuloy siyang bigo.

habang ako ay nagpapahinga sa aking bahay may tumawag sa akin para maayos na daw ang lahat. bilang taong maayos makitungo pinaunlakan ko yung gusto nila at nakipagkita ako para makipag-usap.

sabi nila hindi na daw sila paligu-ligoy pa may inaabot na sobre sa akin at alam ko malaking halaga yun para makipag-ayos lang ako. napapalunok at lumalaki mga mata ko sa sobre na yun.  nasabi ko sa sarili ko makakabili ako ng medyo mamahalin na bagay pag tinanggap ko ang suhol pero biglang bawi sa akin ng aking prinsipyo.

tama. ako si llyboy may prinsipyo. ako ay pilipino mula pagkabata ay umaawit ng “lupang hinirang”…ang mamatay ng dahil sa iyo. sumusumpa ako ng “panatang makabayan”… tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.

yang ang mga naitanim sa puso at isipan ko na hanggang ngayon dala-dala ko. memorize na memorize ko ang mga yan dahil ilang beses ako napatayo noong elementarya dahil hindi ko kabisado. at ngayon alam na alam ko na hindi ko lang dapat kabisado inaaplay ko din sa pagkatao ko…dahil ako ay pilipino.


2 Responses to “si llyboy..sinusuhulan?”


  1. August 4, 2009 at 6:49 am

    padre, bakit hindi mo tinanggap? ikaw talaga oh.. hehehe..
    Uwi ka na ng Pinas? kelan? Nanloloko ka lang ata eh…

  2. 2 ebanreb
    August 26, 2009 at 2:33 am

    padre, kumusta na. Nakauwi ka n pala ng pilipinas. Wala ka man lang pasabi para nasundo kita sa airport. Saan na yung pasalubong mo sa akin? Langya naman oh.. hehehe..

    Padre, wag ka ng mag-abroad mukhang hindi yun ang nararapat sa iyo. Dito ka na lang sa Pilipinas magnegosyo na lang tayo.. hehehe

    Magparamdam ka naman. Itext mo naman kami.. Kuripot ka talaga


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.