minsan hindi natin alam kung ano ang patutunguhan ng ating buhay. wala tayong pwedeng gawin kundi ang pumili sa bawat hakbang na tatahakin na dapat pag-isipan ng malalim na malalim.
nalulungkot ako dahil iiwan ko na ang aking trabaho dito sa disyerto. pinag-isipan ko mabuti ang aking desisyon na lisanin na ang trabaho ko upang magkaroon naman ako ng panibagong yugto ang magkaroon ng mas mataas na sweldo buhay ko. hindi kasi kami nagkakaunawaan ng manager ko kaya mas pinili kong iwanan na lang pero syempre bilang pilipino na madiskarte dapat may kapalit naman di ba.
excited na ako sa pag-uwi ko dahil makikita at makakasama ko ang aking mga mahal sa buhay.naiisip ko ano ang aasahan ko sa pag-uwi ko…
1. sa airport sigurado na ako may magnghihingi ng mga tip (kapalmuks). hindi ako magbibigay dahil sila may trabaho ako wala.
2. sa mga susundo sa akin tatanungin kung ano ang pasalubong ko. wala kasi ako yung taong hindi mahilig magpasalubong ng mga sabon, lution, chocolate ay kung anu-ano na na obligado kong gastusan at buhatin.pumunta kayo sa bahay at kumain ng anong meron.
3. sa pag-uwi ko gusto ko sana maranasan yung may streamer “welcome llyboy” sabay ng tambol at trumpeta..totot !totot!
4. sa bahay namin syempre malinis yun at maayos dahil ayokong makalat at ibabasura ko lahat kahit anong bagay basta nakakakalat.
5. sa kapitbahay kong mga pinsan siguro manghihingi ng pang-inom..sorry bro’s nagbago na ako hindi na ako nag-iinom ngayon ng alak..jucie, gatas at tsa yun pwede pa.
6. aasahan ko na gagala ang mga paa ko sa mall pang palipas oras at makakita ng makakapagpasaya sa akin sa lungkot ko ngayon..sigurado ako makakabili ako kung anu-ano.
7. aasahan ko na ako ang mamamalengke, magluluto at maghuhugas ng pinggan. yan ang trabaho ko pag nasa bahay lang ako..kung sisipagin maglalaba ng mga damit sa pamamagitan ng aking mahiwagang nagkakalyong kamay.
8. syempre malalaman ng mga kaibigan ko noong elementarya, high school, at college na dumating ako at pupuntahan ako sa bahay at hingi ng pasalubong.sorry wala.
9. aasahan ko na tatahulan ako ng aso namin dahil hindi niya ako nakita na matagal at kailangan ko amuhin sa pamamagitan ng special niyang pagkain ang pansit bihon.
10. mga kaibigan at kamag-anak ko pasensiya na kayo dahil wala akong maibibigay sa inyo sa aking pag-uwi kundi ang pumunta tayo ng beach at doon tayo magkakaroon ng bonding para lalong sumaya ang pagsasama natin.
namimis ko na din ang pilipinas kaya excited na ako..yehey! yehey!






0 Responses to “ngayon ang uwi ko sa pinas”